Thursday, August 6, 2009

Flores de Mayo/flores de MAria/flower for Mary

May 31, 2009
Flores De Maria
Pilapila Community
galing dangwa siksikan sa brgy.patrol

robi the flower arranger


before going to the church


pilapila parisioners



Rev. Fr. David Onilongo
celebrant


Pilapila Chapel Altar
Isang Tradisyon na sa aming Barangay na mag daos ng Flores de Mayo, ito ay sinisimulan sa unang araw ng buwan, na ginaganap sa Kapilya ng Nuestra Senora delos Angeles accourding to the matatandang Devoto sa aming Barangay ay na-gisnan na nila ang ganitong tradisyon .. ang pagaalay ng bulaklak sa mahal na Birhen sa buong buwan ng Mayo,
Pagdating ng huling Linggo ng Buwan ng Mayo iyon ang tinatawag na Flores de Mayo sa Sisimulan ng pag Serenata ng mga Banda (musikero) na iikot sa buong Barangay
Buhay parin ang pagkakaroon ng mga Hermana at Hermano na nagsisilbing Sponsor ng nasabing Okasyon
hermano at hermana MAyor, hermano sa Musiko,sa Kandila, sa Bulaklak at hermana sa Misa. ang mga ito ay hindi basta basta pilipili kundi binubuliya(bunutan) sa araw mismo ng Flores de MAyo pagkatapos ng misa na ginaganap sa Bahay ng babaeng Hermana Mayor ang nasabing "Buliya" ay itinuturing na sagrado,pagbunot ng mga bagong hemanas at hermanos sa harap ng mahal na birhen. kinagabihan ay magkakaron ng Santa Krusan, may tatlong kategorya, sagala ng Mag may Asawa, ng mga Dalaga , at ng mga Bata.
nakakatuwang isipin na sa modernong henerasyon ngayon ay buhay parin ang mga sinaunang tradisyon dito sa aming Barangay.
-xoxoxoxoxox-